ako noong musmos pa lamang
Lumipas pa ang mga araw isinilang naman ang aking bunsong kapatid noong ika-2 ng Agusto, pinangalanan nila itong si Christian Paul Enmacino sa bawat panahung lumilipas ay aking napagtanto na malaki na ang nababago na sa aking sarili, sa edad kung anim na taon ay pumasok ako bilang kender sa paaralan ng brgy. San Ignacio. SPC dito ako natutong bumasa na higit pa sa naituro ng magulang naicip kung ang eskwelahan pala ay kailangan upang lalo pang mahubog ng lubos ang aking sarili. Sa edad kung pitong taon ay pumasa ako para sa ikalawang baytang para sa elementarya sa aking pag aaral. Marami akung naging kaibigan, marami rin silang naitulong sa akin at sa mga hamon ng aking buhay, naging katuwang ko sila sa lahat ng panahon at oras. Ilang taon din ang lumipas ay palapit ng palapit ang aking hinihintay, ang pagtatapos ko ng elementarya. At di nagtagal ay nakamit ko rin ito, natapos ko ang pag aaral ng elementarya sa edad na labing isang taong gulang, naging masaya rin ang aking pagtatapos dahil lahat kaming magkaklasi ay nakapasa o naka graduate. Naging masaya at maaliwalas ang aking bakasyon marami akung nagawa at natapos sa mga panahong iyon, mas naging masaya pa ako noong mapalahok ako sa isang kupunan ng basket bol sa aming lugar, sa unang laro ko noon ay parang may dagang nais kumawala sa akin dibdib dahil sa sobrang kaba ngunit, sa tulong ng aking kasapi ay nagkaroon ako ng lakas ng loob. At sa wakas nagbunga rin ang amin pagtutulongan, nakamit namin ang kampyonato, pinag diwang namin ng lubos ang araw na iyon pati \kalaban ay nakisaya narin sa amin. Hindi man ako naka dami ng puntos pero naging masaya ako dahil naging bahagi ako ng isang magaling na kupunan sa aming lugar. Ilang araw pa ang lumipas hindi ko napansin na papasok na pala akung muli bilang isang first year high school. Nagkaroon pa ako ng mas maraming kaybigan ngunit naninibago parin ako. Marami ang mga nangyari noong panahon iyon ibat ibang kalukohan at mga kaguluhan sa pagdaan pa ng panahon dumating ang hinihintay ng lahat ang araw ng kapangakan ni jesus o kung tawagin natin ay pasko.
 |
ako at sya uli |
Napakasaya ng araw na iyon dahil maraming taong nagkakasama sa bawat sandali ay nadama ko lahat ng pagbabago sa aking buhay malapit na akung makatapos ng first year ay kunting sandali na lang ay makakamtan kuna ang aking inaasam sa araw na lumipas ay lagi kung inisip na bumilis na ang araw upang makatulong narin ako sa aking mga magulang na silang umaruga at kumalinga sa akin at sa wakas natapos kurin ang first year, sobrang saya ko noong mga araw na iyon ay dahil naranasan kuna mag high school sa unang pagkakataon nagkaroon ng kunting kasiyahan sa amin kahit hindi kumpleto ang lahat ay naging masaya parin.
 |
ako at ang aking nakababatang pinsan
|
 |
ako at ang tropa
|
Habang lumalakad ang bawat araw ay nagkaroong muli ng palarong pangpalakasan sa amin upang maiwasan ng kabataan ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Nakasali akung muli sa amin ng laro gaya ng aking hilig na paglalaro ng basket ball, dito ko iginugol halos lahat ng araw ko noong bakasyun nag insayo ako ng mabuti upang mapaghandaan ko ang aming mga makakaharap na kalaban dahil lahat na sumali noon ay halos sanay na sa larong nakahiligan ko, nagbunga naman ang aming pinaghandaan nakamit namin ang ikalawang pwesto, naging masaya narin kami dahil sa dami ng kupunan na naglaban ay pumasok kami sa ikalawang pwesto, muli na naman kaming nagdiwang sa mga sandaling iyon. Doon ko lamang naranasan ang pakikipagtulungan sa bawat kasapi ng aming kupunan, nagdaan ang mga araw ay naghanda na muli ako sa darating na pasukan, bumili ako ng mga gagamitin para sa aking pag aaral. Noong una ay tinatamad akung pumasok, unang araw ng pasukan ay nagkaroon ng pag awit sa pambangsang awit ng ating bansa, masaya ako dahil naging 2nd year high school medyo sanay na akung makisalamuha sa mga taong aking makakaharap. Marami ang mga nangyari noon mga panahong iyon, nagkaroon ng mga aktibidad sa aming paaralan at nakalahok ako sa mga ito, pinagbuti ko pa ang aking pag aaral upang sa ganon ay makapasa ako dito. Sa aking pagsisikap ay natapos ko ang 2nd year high school hindi man ako nagkaroon ng medalya ay naging masaya naman ako dahil nagawa ko naman at napagtagumpayan aking minimithi. Muli na namang dumating ang araw ng bakasyon hindi ko parin makalimutan ang araw na pumasa ako ng 2nd year. |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento