Biyernes, Marso 11, 2011

Ang Talambuhay ni Charie John Enmacino

ako at ang aking pinsan
Sa pagpapakilala ng aking sarili ay nais ko munang ibigay ang ngalan ng ugat o pinag-mulan ng lahat. Ang pangalan ng aking ina ay si Joida Enmacino at ang aming haligi ng aming tahanan ay ang aking amang si Felix Enmacino. Ilang taon din silang nagsama at ipinanganak ako ng aking ina noong ika-12 ng hulyo, nong panahong iyong ay nagdiriwang ang aking mga magulang at ang nais lamang nila ay manapalaki nila ako ng maayos. Sa pagdaan pa ng panahon pinagdiwang ko aking kaarawan naging masaya ang lahat ng mga dumalo sa kaarawan kung iyon hindi dahil sa maraming handa kundi sa pagkakasamasama ng aming pamilya.



ang numero ng aking buhay


ako noong musmos pa lamang


Lumipas pa ang mga araw isinilang naman ang aking bunsong kapatid noong ika-2 ng Agusto, pinangalanan nila itong si Christian Paul Enmacino sa bawat panahung lumilipas  ay aking napagtanto na malaki na ang nababago na sa aking sarili, sa edad kung anim na taon ay pumasok ako bilang kender sa paaralan ng brgy. San Ignacio. SPC dito ako natutong bumasa na higit pa sa naituro ng magulang naicip kung ang eskwelahan pala ay kailangan upang lalo pang mahubog ng lubos ang aking sarili. Sa edad kung pitong taon ay pumasa ako para sa ikalawang baytang para sa elementarya sa aking pag aaral. Marami akung naging kaibigan, marami rin silang naitulong sa akin at sa mga hamon ng aking buhay, naging katuwang ko sila sa lahat ng panahon at oras. Ilang taon din ang lumipas ay palapit ng palapit ang aking hinihintay, ang pagtatapos ko ng elementarya. At di nagtagal ay nakamit ko rin ito, natapos ko ang pag aaral ng elementarya sa edad na labing isang taong gulang, naging masaya rin ang aking pagtatapos dahil lahat kaming magkaklasi ay nakapasa o naka graduate. Naging masaya at maaliwalas ang aking bakasyon marami akung nagawa at natapos sa mga panahong iyon, mas naging masaya pa ako noong mapalahok ako sa isang kupunan ng basket bol sa aming lugar, sa unang laro ko noon ay parang may dagang nais kumawala sa akin dibdib dahil sa sobrang kaba ngunit, sa tulong ng aking kasapi ay nagkaroon ako ng lakas ng loob. At sa wakas nagbunga rin ang amin pagtutulongan, nakamit namin ang kampyonato, pinag diwang namin ng lubos ang araw na iyon pati \kalaban ay nakisaya narin sa amin. Hindi man ako naka dami ng puntos pero naging masaya ako dahil naging bahagi ako ng isang magaling na kupunan sa aming lugar. Ilang araw pa ang lumipas hindi ko napansin na papasok na pala akung muli bilang 
isang first year high school. Nagkaroon pa ako ng mas maraming kaybigan ngunit naninibago parin ako. Marami ang mga nangyari noong panahon iyon ibat ibang kalukohan at mga kaguluhan sa pagdaan pa ng panahon dumating ang hinihintay ng lahat ang araw ng kapangakan ni jesus o kung tawagin natin ay pasko.



ako at sya uli  
Napakasaya ng araw na iyon dahil maraming taong nagkakasama sa bawat sandali ay nadama ko lahat ng pagbabago sa aking buhay malapit na akung makatapos ng first year ay kunting sandali na lang ay makakamtan kuna ang aking inaasam sa araw na lumipas ay lagi kung inisip na bumilis na ang araw upang makatulong narin ako sa aking mga magulang na silang umaruga at kumalinga sa akin at sa wakas natapos kurin ang first year, sobrang saya ko noong mga araw na iyon ay dahil naranasan kuna mag high school sa unang pagkakataon nagkaroon ng kunting kasiyahan sa amin kahit hindi kumpleto ang lahat ay naging masaya parin.


ako at ang aking nakababatang pinsan






ako at ang tropa



Habang lumalakad ang bawat araw ay nagkaroong muli ng palarong pangpalakasan sa amin upang maiwasan ng kabataan ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Nakasali akung muli sa amin ng laro gaya ng aking hilig na paglalaro ng basket ball, dito ko iginugol halos lahat ng araw ko noong bakasyun nag insayo ako ng mabuti upang mapaghandaan ko ang aming mga makakaharap na kalaban dahil lahat na sumali noon ay halos sanay na sa larong nakahiligan ko, nagbunga naman ang aming pinaghandaan nakamit namin ang ikalawang pwesto, naging masaya narin kami dahil sa dami ng kupunan na naglaban ay pumasok kami sa ikalawang pwesto, muli na naman kaming nagdiwang sa mga sandaling iyon. Doon ko lamang naranasan ang pakikipagtulungan sa bawat kasapi ng aming kupunan, nagdaan ang mga araw ay naghanda na muli ako sa darating na pasukan, bumili ako ng mga gagamitin para sa aking pag aaral. Noong una ay tinatamad akung pumasok, unang araw ng pasukan ay nagkaroon ng pag awit sa pambangsang awit ng ating bansa, masaya ako dahil naging 2nd year high school medyo sanay  na akung makisalamuha sa mga taong aking makakaharap. Marami ang mga nangyari noon mga panahong iyon, nagkaroon ng mga aktibidad sa aming paaralan at nakalahok ako sa mga ito, pinagbuti ko pa ang aking pag aaral upang sa ganon ay makapasa ako dito. Sa aking pagsisikap ay natapos ko ang 2nd year high school hindi man ako nagkaroon ng medalya ay naging masaya naman ako dahil nagawa ko naman at napagtagumpayan aking minimithi. Muli na namang dumating ang araw ng bakasyon hindi ko parin makalimutan ang araw na pumasa ako ng 2nd year.  
ang aking idolong manlalaNa walan naman ng kasiyahan sa amin dahil walang liga sa mga panahong iyon hindi parin ako tumigil sa pageensayo dahil alam ko na magkakaroon muli ng ng liga sa amin . Dumaan pa ang mga araw ay papasok na akong muli ng 3rd year high school. Bagong guro na naman ang aking makakasalamuha, sabi ng iba ay ang 3rd year daw pinaka mahirap sa high school life kaya pinag igi ko ang aking pag aaral para masabi ko sa aking sarili na kaya kung pagtagumpayan ang isang bagay na sarili kung sikap, marami ang  nangyari noon ngunit sa bawat oras na lumilipas ay ginugugol ko ang aking sarili sa pag aaral at di nagtagal ay natapos ko ang 3rd year. Nakarating ako ng fourth year ng walang sabit noong 3rd year akala ko noon ay malupit ang guro namin ngunit magiging magkasundo pala kami at aming seksyon. Sa ngayon ay nagkakasama parin kami ng walang sama ng loob. At ako nga pala si Charie John Enmacino at ito ang aking talambuhay.

Linggo, Pebrero 20, 2011

Ang Talambuhay Ng Natatanging si JERIC PHILIPPI SAYENGA MUSA


ako nong nag assist sa DepEd night
Ako po si JERIC PHILIPPI SAYENGA MUSA, labing limang taon gulang at kasalukuyang nag-aaral bilang 4th year sa COL.LUARO D. DIZON MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL at isa ring C.A.T officer. Ako ay nag-aaral para tumalong sa aking mag magulang baliang ganti ko na rin sa ginawa nilang kabutihan sa akin. Kaya nagpapasalamat ako sa kanila ng sobra sobra at mahal na mahal ko sila ng walang humpay. SALAMAT PO SA INYO

Ako po ay ipinanganak noong November 22,1995 sa Libon Albay sa Bicol.kami ay pitong magkakapatid apat na babae at tatlong lalake, at ako naman ang bunso. Kaya naman ay mahal na mahal ako ng aking mga magulang, pero hindi naman ako laki sa layaw na gusto kong magawa. Napagkamalan pa nga ako na isang babae dahil sa haba ng aking buhok at kinis ng aking kutis.  Ang aking magulang ay sina MILA S. MUSA na 56 taong gulang at may karamdamang highblood at siya rin ang isa sa mga nagpapa-aral sa akin. At ang aking ama naman ay si DOMINGO Ll .MUSA 67 traong gulang na at siay ay nastoke noong ako ay bata pa.

Nangyari ito sa kanya noong may pista sa aming tiyahin at isa siya sa mga magluluto, pagkatapos nila magluto ay nagkayayaan na mag-inuman doon. Bago siya pumunta doon ay pinayuhan namain na wag nang mag-inum dahil nga magpipista na pero nag-inum pa rin siya. Siya ay nakatulog sa sako sakong bigas at nalaglag siya doon at simula noon ay hindi na siya makagalaw at hindi na makapag salita. Dinala na agad siya sa hospital at doon na namain nalaman na nasrtoke na siya. At pagkatapos ay inilabas na siya doon at dinala siya doon sa ate ko dito sa San Pablo. Siguro ay ayos na rin na nangyari ito sa kanya para na rin matigil ang kanyang bisyo, at nagpapasalamat pa rin akop dahil kahit nangyari ito sa kanya ay buhay pa rin siya.

noong ako ay grumaduate ng grade six
kasama ang aking butihing
nanay
Ako ay nag-aral ng grade one at grade two sa Agos Elementary School at ipinagpatuloy ko ang aking pag-aaral dito sa San Pablo, dito na ako nakatapos ng elementarya, at kahit wala akong nakukuha na medalya ay masaya  pa rin ako at ang aking pamilya dahil nagawa kong makatapos ng aking pag-aaral. At kahit wala nga akong medalyang nakuha ay nagsusumikap ako na makatapos ng aking pag-aaral, nagpapasalamat ulit ako sa mag tumulong sa aking pag-aaral ayon ay ang aking pamilya na walang sawang tumutulong sa akin. Ito ay nagagawa ko dahil sa aking determinasyon at pagsusumikap sa aking sarili.

kame ng ate ko noong my hinanda kaming
baby shower para sa isa ko pang sa aking ate

noong nag swimming kami sa batangas
kasama ang aking mga kamag-anak
ito naman ay nung nagswimming kami
sa grandbay resort kasama ang
aking pamilya
Maraming mga pangyayari sa aking buhay na hindi ko makaklimutan tulad nalang kapag kami ay mag-oouting, magswuswiming sa ibat ibang lugar tulad nalang sa batangas doon ay nagcelebrate kami ng birthday ng aking kuya. Ito na siguro yung pinakamasayang okasyon na hindi mabubura sa aking utak dahil ito ay nakatatak na habang buhay, ang isa pa ay nung sinurpresa naming ang ate ko na nagbabyshower dahil sa nagka-anak na rin sa wakas sa tagal na inintay niyang panahon ay dumating din yung araw na iyon. Siya ay sumaya at hindi na alam ang gagawin dahil sa ginawa namen sa kanya.
ang aking pamilya na sama-sama noong araw ng PASKO

Hindi pa diyan nagtatapos ang lahat meron pang paghahanda ng passko at bagong taon, kami ay nagsaya ng walang humpay at halos walang tigil. Ito rin siguro yung hindi ko makakalimutan dahil ditto naka-usap at nakasama ko sila maghapon at magdamag. Ang sarap pala ng pakiramdam na sama sama kayo ng inyong pamilya, habang sinasalubong ninyo ang bagong taon at kapaskuhan. Hindi lang kami ang gumagawa nito pero siguro ay yung iba ay haindi kumpleto ang kani-kinilang pamilya kaya ako ay nagpapasalamat sa amg biyayang natatanggap naming araw-araw. Nagpapasalamat din ako sa panginoong maykapal dahil tinutulungan niya kami sa lahat ng bagay na maitutulong niya sa amin hindi lang sa amin pati na rin sa lahat ng tao dito sa mundo.

At ngayon ay nag-aaral na ako nang high school dito sa San Pablo sa paaralang COL.LUARO D. DIZON MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL,  noong ako ay pumasok ng sekondarya ay ako na siguro ang pinakamaliit na studyante pero ayos lang dahil nagawa ko pa ring makatuntong ng high school. Tinutukso pa nga nila ako na  “TOY ANUNG GRADE MO NA”, syempre masakit pero binabalewala ko lang ang mga ito, dahil ito siguro yung mga taong pumapasok dahil sa baon, sa kabarkada at kung saan saan pa. Hindi man lang nila naisip na kahit ganun ako ay nag-aaral naman ako ng mabuti para makapagtrabaho at makatulong sa aking pamilya. Kaya pinagbubutihan kong maayos ang aking pag-aaral para naman ay wala silang masabi sa akin kahit wala akong makuhang medalya. At kaya naman sila ay tuwang-tuwa sa akin at dahil dito ay lalo silang napapamahal sa akin.

Ako ay sumali sa C.A.T noong ako ay 3rd year dahil sa mga nakikita kong ginagawa nila, naiinganyo ako dahil dito. Ang C.A.T na siguro yung lagging tawag kapag may gagawin o may aayusin. Sila yung isang organisasyon na ang layunin ay tumulong sa kapwa at sa paaralan naming. Sila rin ang tawag kapag may kailangang gawin tulad ng pag-aayos ng pasilidad sa aming paaralan. Kaya kada mali na nagagawa ay sa amin naibubunton, kaya bawat galaw naming ay maingat at pulido. Pero sa mga paghihirap na ito ay lagi naman kaming napupuri ng aming mahal at butihing principal na si Mrs. Evelyn Malabag, pagminsan pa nga ay pinapakain kami kung anung meron sa kanyang opisina, kaya nagpapasalamat ako sa kanya at sa mga guro na walang sawang nagtuturo sa amin. Maraming salamat pos a mag bagay na naituro ninyo sa amin lalo na sa mga mabubuting bagay at dahil doon ay nadisiplina ninyo kami sa paraang ginawa ninyo.

ako noong JS PROM namin noong
Febraury 11,2011
At ngayong 4th year na kami at officer na ay lalong mahirap ang aming ginagawa dahil bilang na ang bawat kilos namin, dahil may nakaatang na sa amin na responsibilidad pero mas masarap ang buhay na may nagagwang mabuti sa iyong kapwa lalo na sa mga natutulungan naming mga officer. At ngayon din  ay gagraduate na kami na may maiiwang mga ala-ala, tulad ng isang masayang pagsasama ng mga kaibigan at kabarkada, sana magsilbi kaming isang inspirasyon sa mga maiiwan naming mga 4th year. Maraming maraming salamat po sa lahat ng mga nagturo sa amin at sa lahat ng tumulong sa aking pag-aaral. Hindi ko rin makaklimutan ang aming J.S Prom dahil dito ko naranasan ang napakasayang araw ng aking buhay, na kung saan ay nakasama ko ang mga mahal ko sa aking buhay salamat po ingat palagi “GODBLESS
AND THANK










YOU VERY MUCH”

" Ang Istorya ni Bulilit " - CHARMAINE ASISTIN PALOMADO -


ako ngayon


                                                                  " LITTLE PRINCESS "


Ako si Charmaine Asistin Palomado. Ipinanganak noong Disyembre 8, 1994 sa Barangay Del Remedio San Pablo City. Bunga ako ng pagmamahalan nina Maricel Jimenez Asistin  at Jose Joey Zarcilla Palomado. Ako ay nasa labing anim na taong gulang na ang nanay ko ay nakatira sa  Marcos Paulino Street San Pablo City .

ang aking mama




Ang tatay ko ay likas na taga-Barangay Del Remedio San Pablo City, bata pa lang ako nagugunita ko na ang pag aaway ng aking mga magulang wala pa akong muwang noon kung bakit sila ay madalas nag-aaway  hanggang sa tandang tanda ko pa apat na taon pa lamang ako noon ay nag hiwalay na sila sa kadahilanang meron silang hindi pagkakaunawaan sa makatuwid  ako ay galing sa “Broken family”.Hindi ako makuha ng nanay ko dahil ayaw ng tatay ko na doon ako tumira sa kanila hindi ko rin naman alam kung saan ako sasama dahil maliit pa man ako maka-lola na ako. Napapunta ako sa side ng tatay ko, kay lola na nag ngangalang si Aida Palomado, siya na din ang tumayong nanay ko. Wala man akong tunay na ina o hindi ko siya nakakasama ng matagal ay napupunan nila iyon ng atensyon at pangangalaga kahit papano. Ngunit syempre bilang ina ko, sinusuportahan  pa rin ako ng mahal kong ina at minsan dinadalaw din .Masakit mang isipin na saglit lang kami na nagkakasama bilang mag-ina ganoon lagi ang proseso ng buhay ko. Hanggang sa ng ako ay nasa walong taong gulang na’y masakit mang isipin, pero ang tatay ko ay nag-asawang muli humiwalay din siya sa amin nina lola, dahil doon naramdaman kong wala na akong permanenteng  magulang, hanggang sa ngayon may kapatid na akong lima sa tatay ko.Pero nagging malapit din ako sa kanila. Sila ay sina Charlene, Charisse, John Warry,Ken Eyoj at si Ace Venlee.Minsan ramdam ko dina ako ang bunso



ang aking mga kapatid at pinsan


Sa paaralang pinapasukan ko naman ang Del Remedio Central  School, minsan kailangan ang magulang ko dun sa meeting  si mama o si lola ang pinapapunta ko. Isang pagkakataong napag –usapan nila ang pag hihiwalay ng mga magulang ko di ko malaman kung sino ang papaniwalaan ko kasi sabe nila si mama daw ang may pagkukulang  pero si tatay din daw ay nagkulang din. Pag dinadala ako ng ng mama ko sa lolo at lola ko na siyang magulang niya  na sina Raymundo Asistin at Victoria Asistin ay minsan naiilang ako sa kanila dahil hindi ko sila masyadong nakakasama. Nung  graduation ko nung Grade 6,  hindi ko malaman kung sino ang mag hahatid sa aken sa stage, ayaw nila kay mama dahil hindi naman ito nakatulong ng sapat sa pag-aaral ko pero nag paubaya na ang lola ko. Nagsimula ang kalbaryo ko ng ako ay tumuntong ng high school ,dumalang ang suporta sa aken ng aking ina dahil nga sa wala siyang trabaho  nagkataon naman noong nakapangasawa ng mabait ang tiyahin ko na kapatid ng ama ko sila ang nag paaral sa akin mula 1st year hanggang 3rd year  .Pero siyempre hindi ko pa rin maiwasan na manghingi sa ina ko dahil sa mga gastusin sa school. Sunod ang luho ko sa tita kong nag papaaral sa akin na kahit may anak silang isa. Sila na ang tumayong pamilya kosa loob ng tatlong taon. Dumating ang panahon na-stroke ang lola ko dahil sa pag lalaba nung ako ay nasa elementary palang hanggang High School. Naranasan ko pang maging tutor kapalit ng mga gamit pampasok ko ng ako ay mag sesecond year na. Naramdaman ko na malaki ang pinagbago ng buhay ko ng ako ay mag high school isa na rito ang pag kakaroon ng anak ng mga tiyahin kong sumoporta sa akin dahilan ng minsanan na lang nila akong nabibigyan ng pera.Nang nasa kalagitnaan na ng 3rd year ko ay gumaan na uli ng kaunte ang buhay ko. Dahil nangibang bansa ang aking ina. Di rin naman ako pinababayaan ng mga kamag anak ko na nag bibigay ng suporta sakin. Noong mag tatapos na ang 3rd year ko nakagawa ako ng pag kakamali marahil dala ng kabataan sa ngayon. Naiinis rin ako sa sarili ko dahil di ko man lang naisip ang mga nang yaring kahirapan ng nag daang panahon at mga nangyari sa pamilya ko. Alam kong mali iyon,pero di ko alam kung bakit ko nagawa un. Hanggang sa nag 4th year ako ay nasa ibang bansa pa rin si mama umuwi siya noong oktubre lang. dahilan para mag disisyon ako na doon na tumira sa kanila, dahil sa problema ko sa pinansiyal sa mga lola ko. Napilitan na rin ako dahil gusto rin ng ina ko siguro gusto niyang magampanan ang pagiging anak niya sakin. Marami din ang tumutol sa pagtira ko doon marahil sinasabi nila na pede raw akong mapariwara doon, namaalam na ako sa mga tiyahin ko at kay lola ayaw man nila wala daw silang magagawa dahil gusto ko. Hindi ko rin alam kung mag babago ako at makokontrol ko ang sarili ko. Ngayon,namomroblema uli kami ni mama sa pag pasok ko sa kolehiyo dahil wala na uli siyang trabaho sana naman ay may awa ang diyos. Pero kahit maraming problema ang high school din ang nagbigay sa akin ng saya. Lalo na ng ako ay mag 3rd year, doon ko nakilala ang mga tunay kong mga kaibigan na dumadamay habang buhay. Sila ay sina Rissa Andrada, Lyslie Cagitla, Donalyn Rodenas , Mhita Gapi.Sa mag-hapung oraslagi ko silang kasama at walang sawang tawanan.






ang aking mga bestfwend



Ngaung 4th year ako, ang hindi ko makakalimutan ay ang JS PROMINADE na ginanap ngayong nagdaang pebrero 11,2011. Bagama’t hindi kami kumpleto ng mga kabarkada ko  kahit papanu eh Masaya pa din ako dahil naka-attend ako sa last JS PROM . 






ako ulit



Pero hindi ko pa rin kinakalimutan ang mga tunkulin ko bilang anak, apo, pamangkin at estudyante.
Salamat sa lahat ng mga taong nakapaligid sa akin lalo na sa mga pamilya’t kaibigan ko, kung wala sila ,di mabubuo ang pagkatao ko.

Thanks sa mga nagbasa ng Buhay ko ((:

Sabado, Pebrero 19, 2011

Ang Talambuhay ni Judy Ann M. Rosadiño

           Nagmamahalan ang aking magulang at dahil sa sobrang pag iibigan nilang dalawa ay biniyayaan sila ng apat na anak. Ang panganay ay si ate Jurine, ang sumunod ay ako, ang pangatlo ay si Jocelyn at ang bunso ay si John Angelo.

Ako,habang nagpipicturan kami ng kapatid ko
          Ako si Judy Ann Manalang Rosadiño. Ipinanganak noong ika- 8 ng disyembre taong 1995. Ako ay labing limang taong gulang. Nakatira sa Brygy. Bagong Bayan, San Pablo City, Laguna. Sina Aurea Gesmundo Manalang at Juan Ymata Rosadiño ang aking mga magulang. Ang trabaho ng aking ama ay isang driver at ang aking ina naman ay isang plain housewife. Kaya daw Judy Ann ang aking pangalan ay dahil sa paborito ng aking ina si Judy Ann Santos - Agoncillo. Dapat daw sa ate ko ang pangalan na iyon, kaso lamang, hindi pa daw sikat noon si Judy Ann. Apat nga pla kaming magkakapatid, pangalawa ako sa amin. Ang panganay ay si ate Jurine. Siya ay labing walong taong gulang na. Siya ay nasa kolehiyo na at nagtapos siya ng high school sa Dizon High. Ang pangatlo naman ay si Jocelyn, siya ay labing dalawang taong gulang na. Nasa sekundarya na siya at nag aaral sa Dizon High. At ang bunso ay si John Angelo, na nag iisang lalaki. Siya ay walong taong gulang pa lamang. Nag aaral na siya, sa katunayan nga ay Grade 2 na siya sa Bagong Bayan Central School, kung saan kami ay nagtapos din. 

           Kaming magkakapatid ay masasalaw din. Minsan nga, nagkakasakitan pa eh. Pero kahit ganun, mahal na mahal namin ang isa't isa. Hindi nga lang kayang ipakita pero pinadadama naman.Oo nga pala, sumasali pa ako noon sa sagala, noon yun hindi na ngayon. Ayan nga pala yung larawan nung dalawang taon ako.
Noong ako ay sumagala ng dalawang taon
          Pumunta naman tayo sa buhay ko noong ako ay nasa elementarya pa lamang. Noong grade 1, ako ay seksyon B. Hindi ko pa alam noon kung bakit kailangang magkahiwa hiwalay kaming magpipinsan pero kahit na ganun ay masaya parin ako. Sumasali ako sa mga aktibidad ng aming paaralan. Nakakahiya nga, ganun pala ako dati, hahaha...
Kaming dalawa ng kapatid ko !!!
Oo nga pala, saling pusa lang ako noon pero pinasa ako ng aking guro. Gusto nga ng nanay ko ay ibalik ako sa grade 1, sabi naman ng guro ko ay huwag na daw, marunong na daw kasi akong bumasa at sayang daw ang isang taon. Kaya ayun, naging grade 2 na ako.Noong nasa ikalawang baitang na ako, napalipat ako sa seksyon A . Pero nagkaroon ng bagong lipat na estudyante sa aming paaralan kaya balik ako sa pagiging B . Iyak ako ng iyak noon, tapos naulan pa biglang may lumapit sa akin na classmate ko, inalo niya ako hanggang sa ako ay tumahan. Sa totoo lang, dito nga rin sa Dizon High siya napasok eh, graduating narin at seksyon H siya. Noong awarding na ay may  nakuha ako, ayun ay bilang isang masipag na mag aaral. Noong ako naman ay nasa ikatlong baitang,hindi parin ako napapalipat ng seksyon. Masaya naman ako, pero iniisip kong kailangan kong maging seksyon A. Tapos noong awarding na ulet, may sabit ako, pang apat ako noon. Noong ako naman ay nasa ikaapat na baitang ay sa wakas naging seksyon A na ako. Masaya ako dahil napalipat na din ako. Yung guro ko dati, mahilig magtinda ng kendi at kung anu ano. Natatandaan ko pa noon na pinagtindi yung classmate ko ng inipit, eh umupo si Neil. Tapos nagsumbong si Joey, sabi "Ma'am si Neil po inipit yung inipit." Kaya ayun tawanan kaming lahat. Siya nga pala, pag wala kang kahon na lagayan ng sapatos mo, isasako ang sapatos mo. Pag uwian na, ibububo ang sako, hahanapin mo pa ang sapatos mo. Tapos ang malas pa naming Friday Cleaners kasi lagi kaming napapagscotch brite ng room namin at lagi pang pinalilinis yung sapatos niya, kazura eh.
Noong nasa ikalimang baitang na ako, wala lang paulit ulit lang kasi ang nangyayari noon. Aral ng aral hanggang sa magbakasyon na at maging grade 6 na ako. Masaya naman ako nung grade 6 dahil sa gagraduate na kami, kaso marami pang dapat pagdaanan bago ka makatapos sapagkat may mga proyektong ibibigay sa iyo at kung anu ano pa. Nung malapit na nga pala ang graduation namin ay wala noong pasok. Naglalaro ako ng chinese garter, napasubsob ang noo ko sa semento. Umakyat ako sa taas namin at umiyak ako. Kaya nung graduation namin, umakyat ako sa stage ng may bangs este bangas pala... hahahaha...

Ito ako noong JS , kasama ko si Nicole !!!
         Kapagod eh, tarang balikan ang high school life ko.. Noong ako'y First Year High School, wala mag isa lang ako kasi wala pa ako noong kakilala hanggang sa maging kaibigan ko si Medilene. Lagi kaming magkasabay kumain at umuwi hanggang sa dumami ang kaibigan ko. Natatandaan ko rin noon, lagi akong late  sa Math subject namin tapos nagtatago kaming mga late sa may tindahan. Wala rin kaming lusot kasi ipinalilista ni Ma'am ang mga late. Nung minsang malate ako, sabi ni Ma'am Montaña, drop na daw kami pero humingi kami kay Ma'am na parang project para hindi kami madrop, ayun binigyan naman kami. Nang nasa Second year ako, seksyon A parin ako. Ganun padin ang ginagawa, pasok ng alas siete awas naman ng alas tres. Paborito kong subject ang Math, lalo pa pagnagpapa first five si Sir Mission, gustung gusto ko iyon. Tapos ng nutrijingle kami, nakakatawa ang mga hitsurahin namin noon, para kaming mga sanggol na nakadiaper. Enjoy naman lalo pa at kami ang panalo. Dumating na ang Third Year, ayos lang seksyon A parin ako. Basta ang natatandaan ko noon ay lagi akong absent dahilan sa sumasakit ang aking ulo. Hindi din ako gumagawa ng proyekto, masipag kasi ako eh hahaha.. Basta aral parin ng aral. Gusto kasi namin lahat na makatapos eh. Excited kami dahil magjjs narin kami. Wala lang nung JS, masaya naman ang lahat. Nung pirmahan na ng clearance, kailangang magdala ng apat na floorwax para lng mapirmahan ang clearance. Tsaka pinakita samin ni Ma'am Umali yung mapapalipat as usual alam ko ng kasama ako doon kasi pala absent ako at hindi din gumagawa ng project. Nag pray ako na sana ay hindi ako mapalipat pero awalang nangayari napalipat padin ako. Kaya nung Fourth Year ay B na ako. Bago na naman ang dapat kilalanin. Kasama ko lang dati sina Anna at Sharmaine dahil sila ang kasama kong napalipat. Hanggang sa magkagalit kami ni Sharmaine, ayun humiwalay siya sa amin siguro nahihiya.. hehe.. Tapos nakilala ko sina Nicole at Mean, naging magkakaibigan kami. Tuwing may kaarawan sa aming apat ay may nanglilibre.. oopss, muntik ko ng makalimutan naging kaibigan ko nag din pala si Trishia. Ayun naging masaya din naman ako sa B. Nagkaroon ng Cheerdance Competition, ang tagal naming nagpraktis, basta laging praktis. Paiba iba nga ang nagtuturo sa amin eh. Una, si Ate Shane tpos ung bakla hanggang sa si Ate Melo ang nagturo sa amin, in fairness ang taray niya. Pag hindi ka umatend tanggal ka na. Open palm at tigasan niyo ang madalas niyang sabihin. Pero kahit ganun yun ay enjoy namin kami. Kaya ng dumating na ang kompetisyon, kabado ang lahat kasi ang akala nila 4C ang mananalo pero laking tuwa namin ng sabihin nila na # 11 ang panalo, kami yun 4Blazers.. Go 4Blazers.. hehehe... ayun lang sana makagraduate kaming lahat.. goodluck satin lahat...

Kaming magkaklase !! Noong lumaban ng cheerdance !! Champion kmi !!!