Linggo, Pebrero 20, 2011

Ang Talambuhay Ng Natatanging si JERIC PHILIPPI SAYENGA MUSA


ako nong nag assist sa DepEd night
Ako po si JERIC PHILIPPI SAYENGA MUSA, labing limang taon gulang at kasalukuyang nag-aaral bilang 4th year sa COL.LUARO D. DIZON MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL at isa ring C.A.T officer. Ako ay nag-aaral para tumalong sa aking mag magulang baliang ganti ko na rin sa ginawa nilang kabutihan sa akin. Kaya nagpapasalamat ako sa kanila ng sobra sobra at mahal na mahal ko sila ng walang humpay. SALAMAT PO SA INYO

Ako po ay ipinanganak noong November 22,1995 sa Libon Albay sa Bicol.kami ay pitong magkakapatid apat na babae at tatlong lalake, at ako naman ang bunso. Kaya naman ay mahal na mahal ako ng aking mga magulang, pero hindi naman ako laki sa layaw na gusto kong magawa. Napagkamalan pa nga ako na isang babae dahil sa haba ng aking buhok at kinis ng aking kutis.  Ang aking magulang ay sina MILA S. MUSA na 56 taong gulang at may karamdamang highblood at siya rin ang isa sa mga nagpapa-aral sa akin. At ang aking ama naman ay si DOMINGO Ll .MUSA 67 traong gulang na at siay ay nastoke noong ako ay bata pa.

Nangyari ito sa kanya noong may pista sa aming tiyahin at isa siya sa mga magluluto, pagkatapos nila magluto ay nagkayayaan na mag-inuman doon. Bago siya pumunta doon ay pinayuhan namain na wag nang mag-inum dahil nga magpipista na pero nag-inum pa rin siya. Siya ay nakatulog sa sako sakong bigas at nalaglag siya doon at simula noon ay hindi na siya makagalaw at hindi na makapag salita. Dinala na agad siya sa hospital at doon na namain nalaman na nasrtoke na siya. At pagkatapos ay inilabas na siya doon at dinala siya doon sa ate ko dito sa San Pablo. Siguro ay ayos na rin na nangyari ito sa kanya para na rin matigil ang kanyang bisyo, at nagpapasalamat pa rin akop dahil kahit nangyari ito sa kanya ay buhay pa rin siya.

noong ako ay grumaduate ng grade six
kasama ang aking butihing
nanay
Ako ay nag-aral ng grade one at grade two sa Agos Elementary School at ipinagpatuloy ko ang aking pag-aaral dito sa San Pablo, dito na ako nakatapos ng elementarya, at kahit wala akong nakukuha na medalya ay masaya  pa rin ako at ang aking pamilya dahil nagawa kong makatapos ng aking pag-aaral. At kahit wala nga akong medalyang nakuha ay nagsusumikap ako na makatapos ng aking pag-aaral, nagpapasalamat ulit ako sa mag tumulong sa aking pag-aaral ayon ay ang aking pamilya na walang sawang tumutulong sa akin. Ito ay nagagawa ko dahil sa aking determinasyon at pagsusumikap sa aking sarili.

kame ng ate ko noong my hinanda kaming
baby shower para sa isa ko pang sa aking ate

noong nag swimming kami sa batangas
kasama ang aking mga kamag-anak
ito naman ay nung nagswimming kami
sa grandbay resort kasama ang
aking pamilya
Maraming mga pangyayari sa aking buhay na hindi ko makaklimutan tulad nalang kapag kami ay mag-oouting, magswuswiming sa ibat ibang lugar tulad nalang sa batangas doon ay nagcelebrate kami ng birthday ng aking kuya. Ito na siguro yung pinakamasayang okasyon na hindi mabubura sa aking utak dahil ito ay nakatatak na habang buhay, ang isa pa ay nung sinurpresa naming ang ate ko na nagbabyshower dahil sa nagka-anak na rin sa wakas sa tagal na inintay niyang panahon ay dumating din yung araw na iyon. Siya ay sumaya at hindi na alam ang gagawin dahil sa ginawa namen sa kanya.
ang aking pamilya na sama-sama noong araw ng PASKO

Hindi pa diyan nagtatapos ang lahat meron pang paghahanda ng passko at bagong taon, kami ay nagsaya ng walang humpay at halos walang tigil. Ito rin siguro yung hindi ko makakalimutan dahil ditto naka-usap at nakasama ko sila maghapon at magdamag. Ang sarap pala ng pakiramdam na sama sama kayo ng inyong pamilya, habang sinasalubong ninyo ang bagong taon at kapaskuhan. Hindi lang kami ang gumagawa nito pero siguro ay yung iba ay haindi kumpleto ang kani-kinilang pamilya kaya ako ay nagpapasalamat sa amg biyayang natatanggap naming araw-araw. Nagpapasalamat din ako sa panginoong maykapal dahil tinutulungan niya kami sa lahat ng bagay na maitutulong niya sa amin hindi lang sa amin pati na rin sa lahat ng tao dito sa mundo.

At ngayon ay nag-aaral na ako nang high school dito sa San Pablo sa paaralang COL.LUARO D. DIZON MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL,  noong ako ay pumasok ng sekondarya ay ako na siguro ang pinakamaliit na studyante pero ayos lang dahil nagawa ko pa ring makatuntong ng high school. Tinutukso pa nga nila ako na  “TOY ANUNG GRADE MO NA”, syempre masakit pero binabalewala ko lang ang mga ito, dahil ito siguro yung mga taong pumapasok dahil sa baon, sa kabarkada at kung saan saan pa. Hindi man lang nila naisip na kahit ganun ako ay nag-aaral naman ako ng mabuti para makapagtrabaho at makatulong sa aking pamilya. Kaya pinagbubutihan kong maayos ang aking pag-aaral para naman ay wala silang masabi sa akin kahit wala akong makuhang medalya. At kaya naman sila ay tuwang-tuwa sa akin at dahil dito ay lalo silang napapamahal sa akin.

Ako ay sumali sa C.A.T noong ako ay 3rd year dahil sa mga nakikita kong ginagawa nila, naiinganyo ako dahil dito. Ang C.A.T na siguro yung lagging tawag kapag may gagawin o may aayusin. Sila yung isang organisasyon na ang layunin ay tumulong sa kapwa at sa paaralan naming. Sila rin ang tawag kapag may kailangang gawin tulad ng pag-aayos ng pasilidad sa aming paaralan. Kaya kada mali na nagagawa ay sa amin naibubunton, kaya bawat galaw naming ay maingat at pulido. Pero sa mga paghihirap na ito ay lagi naman kaming napupuri ng aming mahal at butihing principal na si Mrs. Evelyn Malabag, pagminsan pa nga ay pinapakain kami kung anung meron sa kanyang opisina, kaya nagpapasalamat ako sa kanya at sa mga guro na walang sawang nagtuturo sa amin. Maraming salamat pos a mag bagay na naituro ninyo sa amin lalo na sa mga mabubuting bagay at dahil doon ay nadisiplina ninyo kami sa paraang ginawa ninyo.

ako noong JS PROM namin noong
Febraury 11,2011
At ngayong 4th year na kami at officer na ay lalong mahirap ang aming ginagawa dahil bilang na ang bawat kilos namin, dahil may nakaatang na sa amin na responsibilidad pero mas masarap ang buhay na may nagagwang mabuti sa iyong kapwa lalo na sa mga natutulungan naming mga officer. At ngayon din  ay gagraduate na kami na may maiiwang mga ala-ala, tulad ng isang masayang pagsasama ng mga kaibigan at kabarkada, sana magsilbi kaming isang inspirasyon sa mga maiiwan naming mga 4th year. Maraming maraming salamat po sa lahat ng mga nagturo sa amin at sa lahat ng tumulong sa aking pag-aaral. Hindi ko rin makaklimutan ang aming J.S Prom dahil dito ko naranasan ang napakasayang araw ng aking buhay, na kung saan ay nakasama ko ang mga mahal ko sa aking buhay salamat po ingat palagi “GODBLESS
AND THANK










YOU VERY MUCH”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento