Linggo, Pebrero 20, 2011

" Ang Istorya ni Bulilit " - CHARMAINE ASISTIN PALOMADO -


ako ngayon


                                                                  " LITTLE PRINCESS "


Ako si Charmaine Asistin Palomado. Ipinanganak noong Disyembre 8, 1994 sa Barangay Del Remedio San Pablo City. Bunga ako ng pagmamahalan nina Maricel Jimenez Asistin  at Jose Joey Zarcilla Palomado. Ako ay nasa labing anim na taong gulang na ang nanay ko ay nakatira sa  Marcos Paulino Street San Pablo City .

ang aking mama




Ang tatay ko ay likas na taga-Barangay Del Remedio San Pablo City, bata pa lang ako nagugunita ko na ang pag aaway ng aking mga magulang wala pa akong muwang noon kung bakit sila ay madalas nag-aaway  hanggang sa tandang tanda ko pa apat na taon pa lamang ako noon ay nag hiwalay na sila sa kadahilanang meron silang hindi pagkakaunawaan sa makatuwid  ako ay galing sa “Broken family”.Hindi ako makuha ng nanay ko dahil ayaw ng tatay ko na doon ako tumira sa kanila hindi ko rin naman alam kung saan ako sasama dahil maliit pa man ako maka-lola na ako. Napapunta ako sa side ng tatay ko, kay lola na nag ngangalang si Aida Palomado, siya na din ang tumayong nanay ko. Wala man akong tunay na ina o hindi ko siya nakakasama ng matagal ay napupunan nila iyon ng atensyon at pangangalaga kahit papano. Ngunit syempre bilang ina ko, sinusuportahan  pa rin ako ng mahal kong ina at minsan dinadalaw din .Masakit mang isipin na saglit lang kami na nagkakasama bilang mag-ina ganoon lagi ang proseso ng buhay ko. Hanggang sa ng ako ay nasa walong taong gulang na’y masakit mang isipin, pero ang tatay ko ay nag-asawang muli humiwalay din siya sa amin nina lola, dahil doon naramdaman kong wala na akong permanenteng  magulang, hanggang sa ngayon may kapatid na akong lima sa tatay ko.Pero nagging malapit din ako sa kanila. Sila ay sina Charlene, Charisse, John Warry,Ken Eyoj at si Ace Venlee.Minsan ramdam ko dina ako ang bunso



ang aking mga kapatid at pinsan


Sa paaralang pinapasukan ko naman ang Del Remedio Central  School, minsan kailangan ang magulang ko dun sa meeting  si mama o si lola ang pinapapunta ko. Isang pagkakataong napag –usapan nila ang pag hihiwalay ng mga magulang ko di ko malaman kung sino ang papaniwalaan ko kasi sabe nila si mama daw ang may pagkukulang  pero si tatay din daw ay nagkulang din. Pag dinadala ako ng ng mama ko sa lolo at lola ko na siyang magulang niya  na sina Raymundo Asistin at Victoria Asistin ay minsan naiilang ako sa kanila dahil hindi ko sila masyadong nakakasama. Nung  graduation ko nung Grade 6,  hindi ko malaman kung sino ang mag hahatid sa aken sa stage, ayaw nila kay mama dahil hindi naman ito nakatulong ng sapat sa pag-aaral ko pero nag paubaya na ang lola ko. Nagsimula ang kalbaryo ko ng ako ay tumuntong ng high school ,dumalang ang suporta sa aken ng aking ina dahil nga sa wala siyang trabaho  nagkataon naman noong nakapangasawa ng mabait ang tiyahin ko na kapatid ng ama ko sila ang nag paaral sa akin mula 1st year hanggang 3rd year  .Pero siyempre hindi ko pa rin maiwasan na manghingi sa ina ko dahil sa mga gastusin sa school. Sunod ang luho ko sa tita kong nag papaaral sa akin na kahit may anak silang isa. Sila na ang tumayong pamilya kosa loob ng tatlong taon. Dumating ang panahon na-stroke ang lola ko dahil sa pag lalaba nung ako ay nasa elementary palang hanggang High School. Naranasan ko pang maging tutor kapalit ng mga gamit pampasok ko ng ako ay mag sesecond year na. Naramdaman ko na malaki ang pinagbago ng buhay ko ng ako ay mag high school isa na rito ang pag kakaroon ng anak ng mga tiyahin kong sumoporta sa akin dahilan ng minsanan na lang nila akong nabibigyan ng pera.Nang nasa kalagitnaan na ng 3rd year ko ay gumaan na uli ng kaunte ang buhay ko. Dahil nangibang bansa ang aking ina. Di rin naman ako pinababayaan ng mga kamag anak ko na nag bibigay ng suporta sakin. Noong mag tatapos na ang 3rd year ko nakagawa ako ng pag kakamali marahil dala ng kabataan sa ngayon. Naiinis rin ako sa sarili ko dahil di ko man lang naisip ang mga nang yaring kahirapan ng nag daang panahon at mga nangyari sa pamilya ko. Alam kong mali iyon,pero di ko alam kung bakit ko nagawa un. Hanggang sa nag 4th year ako ay nasa ibang bansa pa rin si mama umuwi siya noong oktubre lang. dahilan para mag disisyon ako na doon na tumira sa kanila, dahil sa problema ko sa pinansiyal sa mga lola ko. Napilitan na rin ako dahil gusto rin ng ina ko siguro gusto niyang magampanan ang pagiging anak niya sakin. Marami din ang tumutol sa pagtira ko doon marahil sinasabi nila na pede raw akong mapariwara doon, namaalam na ako sa mga tiyahin ko at kay lola ayaw man nila wala daw silang magagawa dahil gusto ko. Hindi ko rin alam kung mag babago ako at makokontrol ko ang sarili ko. Ngayon,namomroblema uli kami ni mama sa pag pasok ko sa kolehiyo dahil wala na uli siyang trabaho sana naman ay may awa ang diyos. Pero kahit maraming problema ang high school din ang nagbigay sa akin ng saya. Lalo na ng ako ay mag 3rd year, doon ko nakilala ang mga tunay kong mga kaibigan na dumadamay habang buhay. Sila ay sina Rissa Andrada, Lyslie Cagitla, Donalyn Rodenas , Mhita Gapi.Sa mag-hapung oraslagi ko silang kasama at walang sawang tawanan.






ang aking mga bestfwend



Ngaung 4th year ako, ang hindi ko makakalimutan ay ang JS PROMINADE na ginanap ngayong nagdaang pebrero 11,2011. Bagama’t hindi kami kumpleto ng mga kabarkada ko  kahit papanu eh Masaya pa din ako dahil naka-attend ako sa last JS PROM . 






ako ulit



Pero hindi ko pa rin kinakalimutan ang mga tunkulin ko bilang anak, apo, pamangkin at estudyante.
Salamat sa lahat ng mga taong nakapaligid sa akin lalo na sa mga pamilya’t kaibigan ko, kung wala sila ,di mabubuo ang pagkatao ko.

Thanks sa mga nagbasa ng Buhay ko ((:

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento